WATCH: President Duterte Gave ISIS A Hard Warning

“I am just warning people, huwag ninyo sobrahan because I would never never allow my country to be destroyed by simply terrorism at itong droga. Hindi talaga ako papayag”



Ito ang matapang na salita na binitawan ni President Rodrigo Duterte, at sabay banta sa terrorist group na ISIS, sa isang speech sa Malacanang nitong Lunes. Ayon sa Presidente, walang idelohiyang pinaglalaban ang ISIS. Inisa-isa niya ang mga kahayupang ginagawa ng mga terorista.


“The next worry of course is terrorism. ISIS. They don’t have a political ideology. They don’t have any concept of the risk. Iyong people, you maim the people, you kill them, and the women who refuse to have sex with them, they simply burn them. So, we have seen a barbaric practice and even cutting throats of other people in front of the world,” sabi ng Presidente.


Sabi ni Pangulong Duterte, hindi siya magda-dalawang isip na tapatan ang ISIS, para protektahan ang Pilipinas. Inatasan na ni President Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kumalap ng impormasyon kung nakarating na nga ang mga ISIS indoctrinators sa Mindaanao.

“Hindi ko malaman how to meet this kind. If you do that, you also bring out the worst out of me. Bale, tabla tayo diyan. If you can do it, I can do it ten times better than you, definitely,” banta ni Presidente Duterte sa mga ISIS.

Suportado niyo ba ang Presidente sa laban kontra-terorismo?


Share on Google Plus